‘RAPIST’ SA PARKE NASAKOTE

NASAKOTE ng Valenzuela City Police sa isang parke ang isang rapist habang umano’y naghahanap ng bagong bibiktimahin.

Noong Agosto 16 nang madakip sa Valenzuela City People’s Park sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City ang suspek na si Leo Gutierrez, 37, may nakabinbing kasong two counts ng rape at two counts ng acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City Family Court Branch 16, na may petsang Agosto 12, 2022.

Walang inirekomendang pyansa para sa kasong rape ng suspek habang

P180,000 ang inirekomendang piyansa para sa bawat count ng kasong acts of lasciviousness. (ALAIN AJERO)

119

Related posts

Leave a Comment