REMULLA WALANG MALUBHANG SAKIT – DOJ

WALANG anomang malalang sakit si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ito ang nilinaw ni DOJ Undersecretary Jesse Andres sa gitna ng mga kumalat na balitang nasa Intensive Care Unit (ICU) ito ng isang ospital.

Ayon kay Andres, malabong may malubhang sakit ang kalihim dahil dumadalo pa ito sa mga miting ng ehekutibo at hudikatura.

Inilalaan lamang niya ang kanyang oras sa mahahalagang bagay para hindi masayang.

Matatandaang noong nakalipas na taon sumailalim si Sec. Remulla sa wellness leave matapos ang kanyang heart bypass operation.

Kasabay ng kanyang pag-amin nitong Pebrero na nagkaroon siya ng komplikasyon sa immune system mula nang maoperahan, ngunit tiniyak na gumagaling siya at may kakayahan na siyang pamunuan ang ahensya. (JULIET PACOT)

27

Related posts

Leave a Comment