REP. TEVES: PAKAY NG 3 SCOUT RANGERS SA NEGROS ALAMIN

NAG-VIRAL at napuno ng malasakit mula sa netizens ang FB live ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves kamakailan.

Ito ay nang sabihin ng mambabatas na may inaalam ito na ulat hinggil sa umano’y tatlong active Scout Rangers sa Negros na tila may kakaibang pakay.

Sinabi ni Rep. Teves, nakilala dahil sa pagtulong nito sa abot ng makakaya, na may nakarating na report sa kanya tungkol sa scout rangers sa Negros.

Ayon umano sa impormasyon na nakalap ng mambabatas, ang mga sinasabing scout rangers ay kasalukuyang nasa Negros Occidental at may target na tao.

Pinagdududahan na isa sa magkakapatid na Teves ang target patahimikin ng mga ito. Kaya nag-live ang mambabatas para malaman at maging aware ang mamamayan.

Nais ni Teves malaman agad kung tama ang nakarating sa kanyang impormasyon para maagapan at mapigilan ang anomang masamang pakay sa pamamagitan ng pag-expose sa mga ito, kung totoo man.

Si Teves ay kilala na laging prangka sa mga salita nito. Inanunsyo nito kamakailan na mula Enero 7, ang kanyang Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon ay mapapanood at masusubaybayan sa DzRH Tele-radyo.

94

Related posts

Leave a Comment