NAGSAGAWA ng rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Macagtas, Catarman, Northern Samar nitong Lunes ng umaga dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA).
Ilang pamilya na ang matagumpay na nailikas mula sa apektadong lugar at na-relocate sa Catarman evacuation center.
Agad kumilos ang Coast Guard District Eastern Visayas upang mabigyan ang mga pamilya ng kaukulang tulong at masiguro ang kanilang kapakanan.
Ang rescue and evacuation operations ay nagpapatuloy pa rin habang ang mga emergency response team ay nagpapatuloy sa kanilang pagsisikap na pangalagaan ang mga residente ng Catarman.
(JOCELYN DOMENDEN)
227