RETIRADONG PULIS TINANIMAN NG BALA SA SENTIDO

0

PATAY ang 66-anyos na retiradong pulis makaraang taniman ng bala sa ulo ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang naglalakad kasama ang kanyang aso sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Robert Tortogo, isang retiradong pulis at residente ng Barangay Payatas, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-6:05 ng umaga, nang sumulpot mula sa likod at malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek ang biktimang noo’y ipinapasyal ang kanyang alagang aso.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng Quadcore taxi na may plakang AMA-1945.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa hangaring tukuyin ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Hinala ng mga kapitbahay, posibleng may kinalaman sa dating trabaho ng biktima ang motibo ng nasabing pamamaslang. (LILY REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment