KUNG merong nakinabang sa Executive Order (EO) 62 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagbaba sa taripa sa mga imported na bigas, ay ang rice importers at rice cartels, at hindi ang mga consumers at mga magsasaka.
Ito ang lumabas sa unang pagdinig ng Quinta committee na binuo para alamin ang puno’t dulo ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kahit maraming batas na umano ang nagawa para protektahan ang mga consumers at masiguro na may sapat na supply ng pagkain.
“Laws are in place to guarantee that every Filipino family has food on their tables, yet this is still a dream for many. We want to uncover the gaps that we need to plug to achieve this goal, and if needed, the personalities that should be made accountable for making this goal difficult to achieve,” ani House committee on ways and means chair Rep. Joey Salceda na siyang lead chair ng Quinta comm.
Kabilang sa bumubuo ng Quinta comm ang committees on trade and industry, agriculture and food, social services, at special committee on food security na sadyang binuo upang makagawa umano ng batas na tutugon sa problema ng smuggling, price manipulation sa mga pangunahing bilihin at makamit ang pangarap ng bansa na walang magugutom.
Isa sa tinutukang usapin sa unang pagdinig kahapon ay ang isyu sa bigas dahil imbes na bumaba ang presyo nito dahil ibinaba ni Marcos sa 15% mula sa 35% ang taripa o binabayarang buwis ng mga rice importers ay tumataas pa umano ang presyo ng bigas.
Sa pagtatanong kay Rachel Lasco ng Philippine Statistic Authority (PSA) tumaas ng 9.6 percent ang rice inflation rate noong October 2024 na labis na ikinadismaya ni Salceda dahil tumaas pa rin ang presyo ng bigas kahit binawasan ng 20% ang binabayarang taripa ng rice importers.
“Despite the decrease of tariff from 35 percent to 15 percent you have a nine percent increase in rice prices?. That’s impossible, harvest season pa,” dismayadong pahayag ni Salceda dahil bukod sa panahong ito ay bumaba sa US$4.96 metric tons mula sa $5.74 MT.
“Anong nangyari? So it’s not a proof of cartel? So all the benefit of reduce tariff just down the drain?,” tanong pa ni Salceda kung saan sinabi naman ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na napatunayan sa imbestigasyon ng kanyang mga tauhan na hindi nababawasan ang presyo ng bigas kahit nabawasan ang taripa.
“Fifty to sixty pesos pa rin ang imported rice. Ganun pa rin Mr. Chair, pre-tariff, post tariff hindi gumagalaw (ang presyo). Merong iilan, pero pag bumili ka ng sinasabi ng PSA na P44-P45 per kilo, bibigyan ka lang tatlong kilo. Pero pag 50-60 pesos per kilo kahit ilang sasako bibigyan ng retailer,” ani Tulfo.
Sinabi naman ito Agri party-list Rep. Nicanor na nawalan ang gobyerno ng kita na umaabot ng P16.3 billion mula nang ipatupad ang nasabing EO noong July 2024 subalit mas mataas ang presyo ng bigas ngayon kumpara noong nakaraang taon.
“So sino ang nakinabang? Eh mukhang ang nakinabang dito yun lang mga importer or yung nagka-cartel ng bigas,” ani Briones. (BERNARD TAGUINOD)
60