CAVITE – Hindi na nadala sa ospital ang isang magkaangkas sa motorsiklo nang kapwa malagutan ng hininga makaraang bumangga sa center island ang sinasakyang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang mga biktimang sina Clark Joseph Salanguit Amil, 19, at Jennifer Rose Gosim, nasa hustong edad, idineklarang dead on the spot ng nagrespondeng mga miyembro ng CDRRMO.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. John Carlo Punzalan ng Imus City Police, minamaneho ni Amil ang motorsiklong Yamaha Mio at nagkas si Gosim habang binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road patungo sa direksyon ng Aguinaldo Highway subalit pagdating sa Pasong Buaya 1, Imus City nang nawalan ng kontrol ang driver nito at bumangga sa center island.
Bunsod nito, tumilapon ang dalawang biktima na nagresulta sa kanilang kamatayan. (SIGFRED ADSUARA)
