RIDER BUMANGGA SA MOTOR, DEDBOL

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa motorsiklo na kanyang kasalubong noong Lunes ng gabi sa Imus City.

Naisugod pa sa Medical Center Imus Hospital ang biktimang si Orlanda Ordonez (lalaki), 42, tricycle driver, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Jiangmen Haojue na nakabanggaan nito na si Johnyfer Adante, 34, isa ring tricycle driver.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente habang kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang kahabaan ng Carsadang Bago Road, Imus City. (SIGFRED ADSUARA)

239

Related posts

Leave a Comment