RIDER BUMULUSOK SA TULAY, PATAY

patay

CAVITE – Lumipad sa kanyang kamatayan ang isang rider nang bumulusok ang minamanehong motorsiklo sa isang tulay sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Isinugod sa Imus Hospital ang biktimang si Marvin Arispe y Tubiera, nasa hustong edad, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police, dakong ala-1:40 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road patungo sa direksyon ng Gen. Trias City.

Ngunit habang paakyat sa tulay ng Daang Hari nang umano’y nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang biktima at dumiretso sa isang bukas na bahagi ng tulay at nahulog.

Mabilis namang nagresponde ng mga kagawad ng CDRRMO at isinugod sa Imus Hospital ang biktima subalit hindi ito umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

21

Related posts

Leave a Comment