RIDER KRITIKAL SA TUMBOK NG TAXI

KRITIKAL sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa kilalang rider makaraang makasalpukan ang isang taxi sa pagitan ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita, Manila

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang driver ng taxi na si Artemio Talacay.

Base sa ulat na nakarating kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa intersection ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita.

Ayon sa imbestigasyon ng Traffic Bureau, habang binabagtas ng rider ang UN Avenue patungo sa Taft Avenue, at si Talacay naman ay bumabagtas sa Romualdez patungo sa Manila City Hall, nang magkasalpukan ang dalawa.

Agad namang nagresponde ang ilang tauhan ng Tourist Police saka tumawag ng ambulansya ng Manila Disaster Reproduction Risk Management Office (MDRRMO) at saka binigyan ng paunang lunas bago isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na malubhang nasugatan. (RENE CRISOSTOMO)

21

Related posts

Leave a Comment