RIDER NAGULUNGAN NG 2 TRUCK, PATAY

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang dalawang driver ng dalawang truck matapos sagasaan at takbuhan ang isang 28-anyos na rider na nagresulta sa kamatayan nito sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.

Isinugod sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Christopher Mapa y Aliganad, 28, binata, senior staff, at residente ng Belvedere Town, Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite subalit hindi umabot nang buhay.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang driver ng dalawang truck na kapwa tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat ni Corporal Nikko Paul Baranco ng Tanza Police Station, dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mangyari.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Suzuki Raider habang binabagtas ang kahabaan ng Tanza Trece Road patungo sa direksyon ng Trece Martires City ngunit pagsapit sa Brgy. Punta 1, Tanza, nang banggain ito ng isang truck na binabagtas ang opposite direction

Matapos magulungan ng truck, isa pang truck na kanyang kasunuran ang sumagasa sa biktima.

Subalit imbes na tulungan siya ng mga driver ng dalawang truck, pinaharurot palayo ng mga ito ang kanilang sasakyan at iniwang nakahandusay ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)

27

Related posts

Leave a Comment