HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang motorcycle rider makaraang makasagian ang isang BMW na minamaneho ng isang US diplomat sa Roxas Boulevard, sa harap ng US Embassy, nitong Lunes ng umaga.
Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng BMW na si
Searight Lauren Kari.
Base sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bandang alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, magkasabay na tinatahak ng biktimang si Ralph Lauren Doble ng Navotas City, at ng nasabing US diplomat, ang lugar nang magkasagian ang mga ito naging dahilan ng pagkakasugat ng motorcycle rider.
Mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
(RENE CRISOSTOMO)
273