RIDER PATAY SA KURBADA

CAVITE – Patay ang isang rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste matapos dumaan sa isang palikong bahagi ng kalsada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Gabrielo Talisik y Penagonda, ng BF Homes, Paranaque City subalit idineklarang dead on arrival dahil sa sugat sa ulo.

Nabatid sa ulat ni P/SSgt. Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na motorsiklong Honda MC 125 habang binabagtas ang Lambac Road sakop ng Malainen Luma, Naic, Cavite dakong alas-10:40 ng gabi.

Ngunit pagsapit sa madilim at pakurbadang bahagi ng kalsada nang nawalan umano ng kontrol sa manibela ang biktima kaya bumangga ang motorsiklo sa isang konkretong poste na nagresulta sa kanyang kamatayan. (SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment