RIDER PUMAILALIM SA SASAKYAN, PATAY

patay

CAVITE – Naabutang nasa ilalim pa ng isang Toyota Altis ang katawan ng isang rider habang isinugod sa ospital ang backrider nito, makaraan ang aksidente sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima sa pangalang Jericho, dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente, habang ang backride nitong si Fritz Selutan ay isinugod sa ospital ng Tagaytay dahil sa mga sugat sa katawan.

Kiniala naman ang driver ng isang Toyota Altis na may plakang TYO 753, na si Janeen Rose Abrantes Torneros, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ng Mendez Police, dakong als-9:40 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang kanilang tanggapan hinggil sa isang aksidente na kinasangkutan ng isang motorsiklo at isang Toyota Altis sa kahabaan ng Daang Panungyan Road, Brgy. Panungyan 1, Mendez, Cavite.

Pagdating sa lugar, naabutan nila ang isang Toyota Altis na minamaneho ni Torneros, at isang motorsiklo na minamaneho ng biktimang namatay, na natagpuan sa ilalim ng nasabing sasakyan, habang ang backride nito ay isinugod sa ospital.

Inaalam pa ng pulisya kung paano nangyari ang nasabing aksidente. (SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment