CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 26-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Imus City noong Huwebes ng gabi.
Isinugod sa Medical Center of Imus ang biktimang si Rinnal Guzman Mijes, ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng mga sugat sa katawan.
Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 617 TZH, habang binabagtas ang kahabaan ang Palanas Road patungo sa direksyon ng Buhay na Tubig Road.
Ngunit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa poste ng kuryente.
Sugatang isinugod sa ospital ang biktima subalit at idineklarang dead on arrival.
(SIGFRED ADSUARA)
151