RIDER SUMALUBONG SA VAN, PATAY

LAGUNA – Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo matapos na bumangga sa kasalubong na utility van sa Maharlika Highway sa Barangay Makiling, Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala  ang biktimang si Almanzor Alvin Dimaunahan.

Batay sa report ng Calamba City Police, bigla na lamang inokupa ng motorsiklo ang linya ng pa-southbound na van kaya nangyari ang head on collision ng dalawang sasakyan.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at namatay noon din dahil sa grabeng pinsalang sa ulo at katawan. (NILOU DEL CARMEN)

 

188

Related posts

Leave a Comment