ROLE NG PH MARINE KINILALA NI PBBM

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang malaking papel ng Philippine Marine Corps sa ilalim ng Philippine Navy sa pagtiyak sa seguridad ng bansa nang dumalo ito sa ika-72 kaarawan ng PMC.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sa mahabang panahon, itinaguyod ng Philippine Marines Corps ang peace and order sa bansa, ipinagtanggol ang bayan laban sa mga terorista at iba pang armadong grupo.

Bukod dito, malaki rin ang ambag ng Philippine Marines sa Humanitarian Assistance and Disaster Response lalo na sa panahon ng kalamidad at emergencies.

Dahil dito, ani PBBM, ay nagpapasalamat siya sa pagiging tunay na Marines ng mga ito na taglay ang katapangan para maprotektahan ang territorial integrity ng Pilipinas.

Ang mga katangiang ito aniya ay patunay ng hindi lamang pagiging tapat sa kanilang tungkulin kundi ng kanilang pagiging makabayan.

Inalala ng Pangulo ang panahong naging bahagi pa siya ng Philippine Marines kung saan natutunan niya ang camaraderie at brotherhood.

Pagtitiyak pa ng Pangulo, susuportahan niya ang Marine Corps sa pamamagitan ng AFP modernization program.

Samantala, pinangunahan ni AFP Chief of Staff LtGen Bartolome Vicente Bacarro ang wreath-laying ceremony sa Marine Heroes Monument, Marine Barracks Rudiardo Brown, sa Fort Bonifacio, Taguig bilang bahagi ng 72nd birthday ng PMC na may temang “TEAM MARINES @ 72: Katuwang ng bawat Pilipino tungo sa mas mapayapa, maunlad, at nagkakaisang bansa,” (JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment