Sa gitna ng bangayan sa pulitika TROOP MOVEMENT ITINANGGI NG AFP

FAKE NEWS!

Ito ang mariing katugunan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) hinggil sa mga paskil na kumakalat online na may nagaganap ng mobilisasyon ng mga sundalo.

“The posts circulating online, claiming that the Armed Forces of the Philippines (AFP) has initiated the mobilization of troops in connection with current events, are completely false and misleading.”

Ayon sa AFP, ang malisyosong pahayag ay nagmula sa mga hindi mapagkakatiwalaang sources at hindi sinusuportahan ng anomang official AFP releases.

“Such misinformation only serves to create unnecessary panic and confusion. The AFP remains focused on fulfilling its mandate with professionalism, dedication, and loyalty to the Constitution and the Chain of Command,” ayon pa sa liderato ng Sandatahang Lakas.

“Attempts to undermine our military and democratic institutions with these fraudulent posts will not be tolerated.”

Nanawagan si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. sa kasundaluhan na manatiling tapat sa Saligang Batas sa gitna ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na paglikida kay President Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang mensahe kahapon sa ginanap na 18-Day Campaign to End Violence Against Women 2024 kick-off ceremony sa Camp Aguinaldo, pinaalalahanan ni Brawner ang lahat ng tauhan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na manatiling professional and competent.

“In the past days, we have seen a myriad of events that transpired in our country and this has shaken the political environment of our country. As soldiers, we should not be shaken by this. Hindi dapat tayo maapektuhan nang masama dahil dito,” atas ni Brawner sa kasundaluhan. (JESSE KABEL RUIZ)

46

Related posts

Leave a Comment