Sa isa pang kumbento sa QC 22 POSITIBO,1 PA PATAY SA COVID-19

0

MINO-MONITOR ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at nagsasagawa ng inventory sa lahat ng closed-setting at long-term care facilities sa siyudad upang mabatid kung nagkaroon ng COVID-19 outbreaks.

Kasama sa nasabing mga pasilidad ang convents, orphanages, nursing homes, homes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso, hospices, correctional facilities at iba pa.

“Hindi pwedeng reactive tayo sa tuwing magkakaroon ng outbreak. Nakikita natin na sunod-sunod na ang mga reported outbreak sa ganitong high-risk facilities, unahan na natin. We will test them and check if they have strict health protocols in place,” ani Mayor Joy Belmonte.

Nagbigay ng direktiba si Belmonte sa CESU para malaman ang vaccination status ng bawat isa na nananatili o nagtatrabaho sa nasabing mga pasilidad at kumbinsihin ang hindi pa bakunado na magpabakuna.

“Kailangan nating malaman kung may bakuna ba ang mga ito at gaya ng ginawa natin sa ibang nursing homes at opisina, tayo na ang pupunta sa kanila para sila ay mabakunahan kung marami sa kanila ang takot lumabas o ayaw lumabas ngayong panahon ng pandemya,” dagdag pa ng alkalde.

Ang dalawang kumbento na nagkaroon ng COVID-19 outbreak ay ang Convent of the Holy Spirit at Barangay Immaculate Concepcion.

Kabilang sa mga positibong kaso sa Barangay Immaculate Concepcion ay13 madre at 9 staff kabilang ang first index case.

Sa 22, labing apat ang pawang mga bakunado na, habang ang iba ay hindi pa nababakunahan.

Ayon kay QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, ang kumbento ay may populasyon ng 90 individuals, na kung saan ay 46 na ang na-swabbed ng siyudad noong Setyembre 10, habang ang iba ay tumangging magpakabuna sa mga oras na iyon.

“Per our agreement with them, they will take care of the testing of the remaining 44 individuals and they will send us the results as soon as they come out,” ani Cruz.

Sa swab results ng 46, lumalabas na 25 ay naging negatibo, habang ang 21 ay positibo.

Karagdagan nito, ay may isang index case kung kaya’t nakapagtala ng kabuuang 22 na positibo. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment