Sa mga lalawigang winasak ni Odette PAGKAIN, TUBIG PAUBOS NA

NAGKUKUMAHOG ang tatlong Major Service Command ng Armed Forces of the Philippine na makapaghatid ng pagkain at malinis na tubig sa daang libong tao sa evacuation centers at mga nawalan ng tirahan bunsod ng paghagupit ng Typhoon Odette, dahil nararamdam na ang pagkaubos ng pagkain at tubig-inumin sa maraming lugar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, prayoridad sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima.

Aniya, inatasan na niya ang AFP na i-deploy ang lahat ng available assets para rito.

Sa inisyal na pagtataya ng NDRRMC, aabot sa mahigit 1.8 milyong Filipino ang naapektuhan ng ilang araw na pananalasa ng Bagyong Odette sa maraming lalawigan sa Visaya at Mindanao.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa kabuuang bilang ng mga apektado ng bagyo, nasa 438,359 ang nasa labas ng evacuation centers o nasa bahay ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Base aniya sa data ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa ngayon mahigit 1,805,000 katao ang bilang ng mga taong apektado.

Pinangangambahang umakyat sa 375 katao ang bilang ng mga namatay at nawawala ng dahil sa pananalas ang bagyo

“Never in my entire life have I encountered such a typhoon,” nanlulumong pahayag ni Catholic Bishop Antonieto Cabajog sa Surigao.

Una nang nagpahayag ng gobyerno na nasa P2 bilyon ang inilaan

para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Titiyakin ng gobyerno na ang lahat ng mga nangangailan ay mahahatiran ng ayuda at mapagsisilbihan sa lalong madaling panahon kaya paspasan ang pagkilos ng Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Philippine National Police gayundin ang Bureau of Fire Protection, at nagkukumahog ang mga ito, ani Sec. Lorenzana.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamayan kahit walang tulon mula sa ibang bansa. Pero kung may mga tutulong ay welcome ito sa pamahalaan. (JESSE KABEL)

11

Related posts

Leave a Comment