SA tulong ng mga boluntaryong doktor at nurse mula sa World Citi Med, Tau Mu Sigma Phi, at Department of Health (DOH), naisakatuparan ni Rizal, 4th District Congressman Fidel Nograles ang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga residente ng Montalban, Rizal.
Ang serbisyong medikal ay kinapapalooban ng libreng general at ob-gyne check-up, pamimigay ng libreng pneumonia vaccine at HPV, at libreng tuli sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose.
Ayon kay Nograles, matagumpay ang kanilang medical mission hindi lamang bunga ng propesyonalismo ng mga doktor, kundi pati na rin ang dedikasyon at suporta ng mga nakiisa.
Hindi aniya matatawaran ang inilaang oras, panahon, at pagmamahal sa komunidad ng mga lumahok.
Kapalit nito ang pasasalamat ng mga residente ng Kasiglahan Village kay Congressman Nograles.
Pinuri rin nila ang mambabatas dahil hindi lang para sa kanilang kabuhayan ang iniisip ng kongresista, kundi maging ang kanilang kalusugan.
Pasasalamat din ang ipinaabot ni Cong. Nograles sa mga taga-Montalban sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.
“Maraming salamat po sa inyong lahat! Sana ay maging inspirasyon ito sa iba pa na tayo ay magtulungan para sa ikabubuti ng kapwa,” dagdag pa niya.
(JOEL O. AMONGO)
267