Sa pagbisita ni US VP Harris MPD NAKAALERTO VS KILOS-PROTESTA

BUONG puwersa ng Manila Police District ang naka-alerto kaugnay ng posibleng kilos-protesta hinggil sa pagbisita ni US vice President Kamala Harris sa bansa.

Ayon kay MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, kasado na ang kanyang mga tauhan sa pagbisita ng bise presidente ng Estados Unidos, at nakaantabay na ang District Mobile Force Battalion, sa pangunguna ni Police Colonel Julius Anoñuevo.

Iniutos nito ang mahigpit na pagbabantay hinggil sa posibilidad na pagsasagawa ng kilos-protesta mula sa hanay ng militanteng grupo.

Gayunman, sinabi ng heneral na ipatutupad ng mga awtoridad ang maximum tolerance, kasabay ng paalala sa militante grupo na ipairal ang health protocol laban sa Covid-19.

Kabilang sa babantayan ng mga awtoridad ang labas ng US Embassy sa Roxas Boulevard, TM Kalaw ,Taft Avenue, Chino Roces Bridge na dating Mendiola Bridge, at Rizal Park sa Luneta.

Katuwang din sa pagbibigay ng seguridad sa bise presidente ng US, ang mga tauhan ni Police Lieutenant Leandro Gutierrez, commander ng MPD-Ermita Police Station, mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Dionell Branon, commander ng MPD-Sta. Mesa Police Station, at Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel ng Sampaloc Police Station.

Habang nakaantabay sina Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., ng Sta. Ana Police Station 6, at Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas ng Sta. Cruz Police Station 3.

Nakaalalay naman ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo II ng Moriones Police Station, mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe ng Baseco Police Station at ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, ng Delpan Police Station 12.
(RENE CRISOSTOMO)

16

Related posts

Leave a Comment