Sa patuloy na pagtangging magpa-drug test VP SARA NANINIWALANG ‘ADIK’ SI PRES. MARCOS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na ‘drug addict’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil patuloy itong tumatangging sumailalim sa drug test.

Ang pahayag ay bilang pagsang-ayon na rin ni VP Sara sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na naunang nagbanggit ng naturang akusasyon.

Sa kanyang pagharap sa media kahapon, sinabi ni VP Sara na sang-ayon siya sa komento ng ama na ang Pilipinas ngayon ay may “fractured governance” at “drug addict” na presidente.

“I agree with fractured government. I agree with the assumption that he is a drug addict, because he continuously refuses to do a drug test,” giit ni VP Sara.

“Napakadali naman, ‘di ba? Tulad ko, napakadali naman. Sinabi ko kaagad: Gusto n’yo ng neuropsychiatric test o kung ano pa man ‘yang test na gusto n’yong i-take ko? Gusto n’yo, ulitin ko yung bar exams? Lahat ‘yan gagawin ko. No questions asked,” aniya.

Lunes ng gabi nang pakawalan ni Digong ang akusasyon.

“Hanggang kailan kayo magsuporta ng drug addict na presidente?” panawagan niya sa mga sundalo.

Agad naman itong kinondena ng Malakanyang.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, walang ibang pwedeng itawag sa panawagang ito ng dating pangulo kundi makasariling motibo na tangkaing paalisin sa pwesto o ikudeta ang kasalukuyang pangulo ng bansa para lamang maiupo ang kanyang anak.

40

Related posts

Leave a Comment