WALANG pagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro ng social media accounts ng political parties, party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.
Ayon sa Comelec Resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13.
Pinaalalahanan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang concerned parties na sumunod sa bagong guidelines ng Comelec upang hindi ma-delete ang kanilang posts o platforms.
Ang social media account registration ay bahagi ng regulasyon ng digital election campaigning. Layon nitong i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence at ipagbawal ang paglaganap ng disinformation at maling impormasyon.
Ayon pa sa Comelec Resolution No.11064-A, inamyendahan din ng poll body ang patakaran sa mga tuntunin sa social media sa pag-alis sa probisyon na ang accounts ng mga pribadong indibidwal ay dapat irehistro at i-regulate.
Sinabi ng komisyon, ang pag-amyenda ay layong itaguyod ang kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga pribadong mamamayan. (JOCELYN DOMENDEN)
16