Sa robbery extortion ng 3 pulis RE-TRAINING SA 17 MPD-PACO PCP MEMBERS

BUNSOD ng tatlong pulis na natimbog sa entrapment operation ng Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) na nakabase sa Kampo Crame kamakailan, damay ang 17 nilang kabaro na isasalang sa re-training.

Ito ang ipinabatid ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Andre Perez Dizon makaraang i-relieve sa puwesto ang 17 tauhan ng Paco Police Community Precinct, nang madamay sa umano’y pangongotong ng tatlo nilang kasamahan.

Sa isinagawang turn-over ng nasabing personnel ng Paco PCP para sa muli nilang pagsalang sa Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement for Police (FORM Police) Training, sinabi ni Gen. Dizon na magsilbi sanang aral ang nangyaring insidente sa ibang pulis Maynila.

Dugtong pa ng Heneral, huwag sanang sasama ang loob ng mga pulis ng Paco PCP dahil ang hakbang na kanyang ginawa ay bahagi ng internal cleansing na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP). (RENE CRISOSTOMO)

65

Related posts

Leave a Comment