SALISI NA-BROADCAST SA ARENA, TIKLO

CAVITE – Ipinanawagan sa buong arena ang pagnanakaw ng isang construction worker na tumangay ng P10,000 cash sa betting booth na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Sonny Lacno y Catarus, 29, isang construction worker, na inireklamo ng pamunuan ng Imus Sports Arena sa Brgy. Anabu 2 D, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:20 ng hapon nang pumasok ang suspek sa nasabing arena at nagpanggap na isang bettor.

Subalit nang nakakuha ng tiyempo, pumasok ito sa offline betting station at tinangay ang P10,000 cash at tinangkang tumakas.

Gayunman, napansin siya ng offline betting teller na si Jeimyleen Batino Pagalan, 24, at ipinanawagan nito sa sound system ng arena base ang deskripsyon ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lacno at pagkakabawi ng nasabing halaga. (SIGFRED ADSUARA)

23

Related posts

Leave a Comment