SAMGYUPSAL SA STA. CRUZ, MANILA WALANG DISCOUNT SA SENIOR

DISMAYADO ang mga lolo at lola sa inakalang diskuwento sa kanilang kakainin sa samgyupsal sa isang mall sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa isang waitress, inutos sa kanila ng management ng samgyupsal na walang discount ang mga senior citizen dahil naka-promo sila.

“Kung si Mayor Alfredo Lim pa sana ang alkalde ng Maynila, malamang ipadlak ito tulad noong alkalde pa siya,” pahayag ng lolo na hindi nagpabanggit ng pangalan

Ayon sa mag-asawang senior citizen, kabubukas pa lamang ng nasabing samgyupsal kaya nais nila itong subukan.

Nais ng mag-asawang senior citizen na maipaabot ang kanilang hinaing kay Mayora Honey Lacuna Pangan upang ito ay maaksyunan.

(RENE CRISOSTOMO)

111

Related posts

Leave a Comment