Ito ay matapos buksan ng lokal na pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang bagong river adventure park.
Nagdaos ng isang misa kasabay ng pagpapasinaya ang pagbubukas nito kahit hindi pa man lubusang tapos at pinangunahan ni Mayor Arthur Robes at kanyang maybahay na si Representative Florida ‘Rida’ Robes.
Ang river adventure park ay bukas sa publiko at maaaring pagdausan ng iba’t ibang okasyon.
Ayon kay Mayor Robes, noong panahon ng pandemic, pinagbabawalang makalabas ang mga tao kaya isa ito sa proyekto na kanyang inilarga bilang preparasyon sa muling pagluwag ng sitwasyon para sa mga San Joseño.
Ayon kay Mayor Robes, noong siya ay nasa Kongreso, ang proyekto nito ay ang mag-develop ng mga parks at playground sa lungsod ng San Jose Del Monte.
“Actually, medyo inapura lang namin dahil nga in celebration of a happy hearts day. Gusto namin na ma-bless na kaagad. Ito naman ay medyo tapos na, para naman pwede nang makapasyal ang mga San Joseño lalo na ngayong Araw ng mga puso,” pahayag ng Alkalde.
Kasabay nito, inihayag ng Alkalde na plano rin ng lokal na pamahalaan na magtayo ng mga bike lane at jogging lane sa gilid ng riverbank upang mapakinabangan.
Ibinida ni Rep. Robes ang dating lugar na madilim at masikip.
“We are happy because we are giving in malamig na simoy ng hangin, magandang lugar at ligtas na pwedeng lakaran, pwede rin mag-exercise, so itong lugar na ito ay magsisilbing pahingahan ng mga tao, maglibang, mamasyal at higit sa lahat ay magmuni-muni kung ano ba ang plano nila sa kanilang buhay,” pahayag ni Rep. Robes.
“Dito po nagsisimula ang aming pag-agapay sa bawat pamilyang San Joseño. Isang dating madilim na lugar, masikip, ayaw puntahan ng tao, dahil na rin sa inilipat sa amin na mga informal settlers, ngayon po ay ayaw na nilang umalis sa aming lungsod. Nandito na po sila dahil unang-una, maganda ang liderato, maayos at maliwanag na lugar, at lalo ang maraming trabahong dumarating sa ating lugar, ang infrastructure at komersyo ay narito na rin po,” dagdag ng kongresista.
Sinabi ni Rep. Robes na target nilang mag-asawa na maging highly urbanized city ang SJDM sa pagsapit ng Oktubre kaya naman apela nito sa mga San Joseño na suportahan sila sa kanilang magandang harangin sa pagpapaunlad ng SJDM.
