SANDOVAL, OUTSTANDING MAYOR SA HKPH PUBLIC OPINION AND RESEARCH CENTER

MULING nanguna si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa top performing mayors sa buong National Capital Region, sa pagkakataong ito sa HKPH Public Opinion and Research Center.

Nakabase sa Hong Kong ang HKPH Public Opinion and Research Center na nagsagawa ng survey sa detailed performance evaluation ng mga mayor sa buong National Capital Region.

Isinagawa ang naturang pag-aaral mula November 3 hanggang 10 na may 1,200 participants, at si Malabon Mayor Sandoval ang nakakuha ng pinakamataas na iskor na 89.7%
Iprinisinta ni Steven Su, survey director, ang comprehensive report ng HKPH-ARC sa “performance assessment of the mayors in the National Capital Region of the Philippines” na base sa detailed analysis on leadership and governance, scrutinizing the mayors’ effectiveness in decision-making, transparency, and accountability.

Kinober sa evaluation ang policy implementation sa key urban areas, kabilang ang mga programa sa housing, transportation, and environmental management. At efficiency sa public services kaugnay sa waste management, healthcare, and public safety.

Nakita rin sa pag-aaral kung gaano ka-involve ang mga alkalde sa economic development, urban planning, infrastructure projects, at support for local businesses sa kanya-kanyang lungsod.

Maging sa kapabilidad nila sa crisis management, partikular sa panahon ng natural disasters at public health emergencies.

Ang second aspect ng HKPH-ARC ay sumentro sa community engagement and inclusivity, o kung paanong nagi-interact at inaalam ng mga mayor ang mga problema at hinaing ng kanilang mga nasasakupan. Kasama rin dito ang preservation of local culture and heritage bilang significant area of assessment, at mga inisyatibo sa education and youth programs.

Binigyang diin sa report ang efforts and policies ng mga alkalde kaugnay sa environmental sustainability, partikular sa kanilang ginagawa na may kaugnayan sa climate change and ecological protection.

Tiniyak sa survey methodology na nagkaroon ng representative sample ng diverse demographics and socio-economic backgrounds, gamit pareho ang qualitative and quantitative questions, para sa mas malalim at tamang pag-aaral.

Layon ng analysis and data reporting na tukuyin ang crucial elements, para bigyang diin ang kahalagahan ng mga mayor sa “quality of life and overall development within their respective cities and municipality.”

Ang HKPH-ARC report ay isang comprehensive overview ng leadership effectiveness and public satisfaction levels ng mga mayor sa National Capital Region, at nagpapakita rin sa achievements and areas for potential improvement, “offering a valuable resource for understanding the complexities and challenges of urban governance in the Philippines.”

Nagpasalamat naman si Malabon Mayor Sandoval sa muling pagkilala sa kanya bilang top performing mayors sa buong National Capital Region.

“Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa atin, Asahan po ninyo na mas hihigitan pa natin ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyo at programa para sa buong Malabon,” aniya.

Ilang buwan na ang nakararaan nang pumangalawa si Sandoval sa top performing local chief executives sa Metro Manila for the year 2023 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Kabilang sa sinarbey ang 10,000 respondents na edad 18-70, na pawang botante at nakatira sa Metro Manila, na tinanong (randomly) kung approved o disapproved sila sa performance ng kanilang mayor.

122

Related posts

Leave a Comment