SANGKOT SA DROGA NAMATAY SA SELDA

CAVITE – Isang preso ang namatay sa Custodial Center ng Bacoor City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Pedro Villatura, 66, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi nang nakaramdam ng hirap sa paghinga si Villatura dahilan upang isugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA)

45

Related posts

Leave a Comment