SC KUMPIYANSANG MAREREPORMA MGA PIITAN

IPINAGMALAKI ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi masasayang ang pagsisikap ng iba’t ibang sektor na tumaas ang kalidad at sistema ng mga city jail sa Pilipinas.

Sa dalawang araw na National Decongestion Summit na ginanap sa Diamond Hotel sa Pasay, tiniyak din ng punong mahistrado ang paggamit ng teknolohiya para umusad nang mabilis ang mga kaso.

Kabilang dito ang paggamit ng email para sa mga dokumento ng isang inabsuweltong bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP).

Una nang pinansin ng mga opisyal ng BJMP ang online na paglilitis na nagpadali sa sistema ng pagdinig sa mga kaso na bukod sa nabawasan ang panganib sa pagbiyahe, hindi na rin isyu ang trapiko.

Ang reporma sa sistema ng bilangguan ay suportado rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaasang makatulong sa pagtiyak ng makatarungang paggawad ng parusa sa mga nagkasala at mapangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino.

(JULIET PACOT)

68

Related posts

Leave a Comment