SINIMULAN nang maglatag ng kanilang security preparation ang Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan kaugnay sa paggunita ng Todos Los Santos o All Saints Day.
Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, binuksan na nila ang iba’t ibang pantalan sa bansa, kasama na ang pagpapalawak sa mga ito, para ma-accomodate ang lahat ng magdadagsaang mga pasahero bago pa sumapit ang Undas.
Inihayag ni Samonte, puspusan ang ginawang paghahanda ng PPA para sa UNDAS 2023 bukod pa sa pagpapaigting sa kanilang seguridad upang makatulong sa ibang ahensiya ng gobyerno na huwag malusutan ng lawless and criminal elements.
Kabilang sa sinasabing tututukan nang husto ng PPA ay ang top 5 na pantalan sa buong bansa na kadalasang dinadagsa ng mga pasahero.
Kinabibilangan ito ng Port of Calapan sa Mindoro na kayang mag-accommodate ng hanggang 12,000 passengers, Port of Batangas, Iloilo, Panay, at Guimaras.
Inaasahang libo-libong mga pasahero ang dadagsa lalo na sa kasagsagan ng uwian, ilang araw bago ang paggunita sa Araw ng mga Patay.
(JESSE KABEL RUIZ)
