SEGURIDAD SA BAR EXAM 2022, HIHIGPITAN

MAGPAPATUPAD ng mahigpit na seguridad ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa paligid ng dalawang unibersidad kaugnay sa gaganaping 2022 Bar examinations.

Sa Executive Order 48 na inilabas noong Biyernes, ipinag-utos ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang liquor ban, pagbabawal sa mga ambulant vendor, at  magpapatupad ng noise control measures sa mga lugar malapit sa San Beda University sa Mendiola, at sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue.

Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad sa sumusunod na mga petsa: Nob. 8, 12:00 ng tanghali hanggang Nob. 9, alas-10:00 ng gabi.

Sa Nobyembre 15 ay 12 :00 ng tanghali hanggang  Nob. 16, alas-10:00 ng gabi.

Sa Nobyembre 19 ay 12 :00 ng tanghali hanggang Nobyembre  20, dakong alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay Manila Police District Director P/Brigadier General Andre Perez Dizon, mahigpit ang seguridad na paiiralin sa dalawang unibersidad, tulad ng pagbabawal sa inuman sa labas ng eskwelahan, at bawal din ang ambulant vendors hangga’t hindi natatapos ang pagsusulit.

Daan-daang mga pulis mula sa MPD at NCRPO gayundin g ang mga bagong pulis na OJT, ang sasabak sa pagbabantay sa nasabing pagsusulit.

“Also within the radius and on the same time and dates stated for ambulant vendors, videoke, karaoke, loud sound systems, speakers, and all equipment emitting loud or disturbing sounds, including persons or groups of persons causing loud noises within the vicinity shall also be banned,” pahayag ng organizer.

Halos 10,000 na nagnanais maging  abogado ang nakatakdang kumuha ng Bar exams ngayong taon 2022. (RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment