SEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA PLANTSADO NA

PLANTSADO na ng Manila Police District ang ipatutupad na mahigpit na seguridad sa Kapaskuhan na magsisimula ngayong Sabado para sa siyam na araw na panata ng tradisyon ng mga Katoliko, ang “Simbang Gabi” sa Maynila.

Bukod dito, mahigpit din ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga mamimili sa pangunahing mga pamilihan, tulad sa Divisoria, Quiapo, Blumentritt, at Paco na inaasahang dadagsa para mamili ng mga ireregalo sa kanilang mga anak at inaanak.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), sa simula ng Simbang Gabi hanggang sa matapos ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, partikular ang pagsapit ng Bagong Taon 2024, libong mga pulis ang magbabantay sa mga tao na magsisimba, mamamasyal at bibili ng mga pamasko, batay sa utos ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay.

Katuwang ng mga awtoridad ang mga barangay tanod sa pagpapanatili ng katahimikan ng bawat simbahan.

(RENE CRISOSTOMO)

186

Related posts

Leave a Comment