SEPULTURERO NAHULOG MULA SA NITSO, PATAY

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang sepulturero nang ito ay mahulog sa nitso at matusok ng kutsarang pansemento sa bayan ng Dolores sa lalawigang ito, noong Martes.

Kinilala ang biktimang si Eleazer Caneo, 62-anyos. Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng sementeryo.

Lumabas sa imbestigasyon ng Dolores Police, umakyat ang biktima sa apartment type na nitso sa public municipal cemetery at nag-ayos ng katatapos pa lamang na paglibingan na nitso, nang madulas ito at mahulog.

Bumagsak ito sa lupa subalit aksidenteng natusok sa dibdib ng kanyang ginagamit na kutsarang pangsemento (masonry trowel).

Wala namang nakakita agad sa biktima dahil sa nakaalis na ang  mga nakipaglibing. (NILOU DEL CARMEN)

33

Related posts

Leave a Comment