SERBISYO SA 4 NEW BARANGAYS NG SJDM CITY MAPADADALI

MAS mapapadali ang serbisyo sa mga residente sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan matapos ang matagumpay na plebesito noong nakaraang linggo para hatiin ito sa apat na barangay.

Ito ang tinuran ng mag-asawang San Jose del Monte City Rep. Florida Robes at Mayor Arthur Robes kaugnay ng katatapos na plebisito na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec).

“This is a step towards development in terms of delivery of basic services to the newly formed barangays,” ani Rep. Robes kung saan 30.44% o 13,322 sa 43,771 registered voters sa Barangay Muzon ang sumali sa plebesito at 92.51 (12,324 voters) ang pumabor na hatiin sa apat ang nasabing barangay.

Ang Barangay Muzon sa nasabing lungsod ay may 127,506 populasyon at isa sa pinakamalaking barangay sa bansa subalit isang Barangay Captain lamang ang namumuno kaya hirap maserbisyuhan ang lahat ng nasasakupan kaya hinati ito sa apat.

“Mas mabuti ito sa taumbayan dahil liliit yung nasasakupan ng maglilingkod sa kanila.

Ibig sabihin, dati isang kapitan lang sa ganoong kalaking populasyon, sa ganun kalaking lugar…eh ngayon mahahati mo sa apat,” ayon naman kay Mayor Robes.

“Mas makakapag-concentrate yung mga barangay officials and employees doon sa maliit na nasasakupan ng isang barangay,” dagdag pa ng mag-asawang Robes.

Ang apat na barangay ay tatawaging Barangay Muzon Proper, Barangay Muzon East, Barangay Muzon West at Barangay Muzon South.

Sinabi naman ni Rep. Robes na bagong oportunidad ito sa kababaihan sa kanilang lungsod para mas mapabilis ang serbisyo sa nasabing sektor sa mga bagong tatag na barangay.

“As a woman legislator, I also give special attention and care to the women of San Jose Del Monte, empowering them in the process. My project Tindahan Ni Maria provides women with additional capital that will eventually give them sustainable livelihood as entrepreneurs,” ani Rep. Robes. (BERNARD TAGUINOD)

296

Related posts

Leave a Comment