SHUTTLE BUS DRIVER PATAY SA CENTER ISLAND

patay

BATANGAS – Patay ang isang shuttle bus driver matapos araruhin ang center island sa JP Laurel Highway sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa report, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Lipa City ang 44-anyos na biktimang si Edgardo Ocampo, residente ng Cabuyao City, Laguna.

Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng umaga, patungo sa direksyon ng Lipa ang Kia DNL shuttle bus nang bumangga ito sa center island sa hindi pa malamang dahilan.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng bus at naipit sa manibela ang biktima.

Matapos mahugot ng mga tauhan ng MDRMMO at mga miyembro ng Malvar BFP, agad dinala sa ospital ang biktima subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

 

111

Related posts

Leave a Comment