SPEAKER ROMUALDEZ MAGBIBIGAY NG AYUDA SA TURKEY QUAKE VICTIMS

PERSONAL na magbibigay ng $100,000 o higit P5 milyon na ayuda si House Speaker Martin Romualdez para sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Ayon sa Speaker, na kinatawan ng Leyte, “ang bansang Turkey ang isa sa pinakaunang bansa na nagpadala ng tulong sa amin nang tumama ang Yolanda sa Leyte”.

“Marapat lamang na suklian natin ang magandang kaloobang ito ng Turkey na siya namang nangangailangan ng tulong natin ngayon,” ani Romualdez.

Dagdag pa ng lider ng Kongreso,” naibsan ang sakit at pagdurusa ng mga biktima ng Yolanda sa Samar at Leyte dahil sa maagang ayuda ng bansang Turkey noon”.

Nabatid na personal na iaabot ni Speaker Romualdez ang tseke ngayong araw kay Turkey Ambassador Niyazi Evren Aykol sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Napag-alaman na ang nasabing halaga ay galing sa Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative na inilunsad noong ika-59 kaarawan ni Romualdez.

Una nang nagpadala ng rescuers ang Pilipinas sa nasabing bansa noong nakaraang linggo para tumulong sa paghahanap ng survivors doon.

Ang Turkey at Syria ay sabay na niyanig ng 7.8 magnitude na lindol noong Pebrero 6 at sinundan ng 7.3 na pagyanig ilang minuto lang ang lumipas.

136

Related posts

Leave a Comment