Special Investigation Task Group binuo 2 SA 4 BANGKAY SA KOTSE, TUKOY NA

RIZAL – Nagbuo ang pulisya ng Special Investigation Task Group o (SITG) matapos kilalanin ang dalawa sa apat na mga biktima ng salvage na natagpuan ang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Robert Ryan Amarillo y Shares, 40, tubong Vigan, Ilocos Sur, residente sa Brgy. Otso, Lucena City, at Carl Pabalan y Alvarado, 51, tubong Negros Occidental, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas, kapwa ng Quezon Province.

Habang hindi pa kilala ang dalawang babaeng bangkay na kasamang natagpuan sa inabandonang Nissan Almera (NGU-1923) sa Sitio Licao-Licao, Brgy. Macabud, Montalban, Rizal.

Matatandaan na noong Agosto 22, dakong alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kotse sa nabanggit na lugar.

Bunsod nito, nagbuo ang pulisya ng Rizal Special Investigation Task Group (RSITG) para maresolba ang kaso at matukoy ang pangalan ng dalawa pang biktimang babae at maaresto ang mga suspek. (ENOCK ECHAGUE)

207

Related posts

Leave a Comment