SPONSORS NG MALUHONG BDAY BASH NI BBM ISAPUBLIKO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NAIS ng mga netizen na isapubliko ng Malakanyang kung sino ang mga kaibigan umano ni Pangulong Bongbong Marcos na sumagot sa kanyang magarbong birthday.

Giit ng netizens, paglabag sa itinatakda ng RA 6713, na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga nasa gobyerno, ang birthday treat sa Pangulo.

Matatandaang agad nilinaw ni PCO Secretary Cesar Chavez na walang ginastos ang pamahalaan sa okasyon kung saan nag-perform ang 80’s English pop rock band na Duran Duran.

Ngunit duda ang mga netizen na walang anomang kapalit ang kagandahang loob ng umano’y mga dating kaibigan ni Marcos Jr.

Kabilang sa mga trending topic noong Linggo ang Duran Duran dahil sa sorpresang pagtatanghal ng mga ito sa isang sikat na hotel sa Pasay City kung saan idinaos ang kaarawan ng Pangulo.

Kaya naman nais malaman ng publiko kung sino-sino ang mga nanlibre ng bonggang party upang mabantayan umano ang mga ito na posibleng hihingi ng pabor o anomang kontrata sa gobyerno sa hinaharap.

Sa pagtaya ng mga netizen, aabot ng $750,000 ang minimum na halaga sa pag-book sa nasabing international band na may katumbas na halos P42 milyon.

Tanong ng ilan, sinong galanteng kaibigan ang maglalabas ng P42 milyon nang walang kapalit?

Basahin ang iba pang mga komento sa social media patungkol sa usaping ito:

Paolo:
That Duran Duran performance is a gift no ordinary Filipino could afford. The public has a right to know who is spending personal millions to make the President happy. If they were serious, Congress or the Ombudsman can, by rule, require the disclosure of every non-nominal gift.

Poy:
Wrong move. The President should have been prudent enough to have declined the invitation. Now that this is leaked, the President should prepare for his political enemies tirade of attacks. Again, this stunt reminds the people of the opulent lifestyle they lived while people >>

Norman:
Ah so sino gumastos? Friends nya? There’s no such thing as free lunch

purple:
Yeah, right. These are the Marcoses. Their brand character is excess.

THANOS:
wrong. yung nag bayad nyan will be rewarded with a govt contract or favor. or kung may issue or sabit sa govt like unpaid tax, ecc. eh ma approve. thus may cost sa taxpyers! ddshits and bbm voters lang maniwala dyan

Mixed Nuts:
Not yet maybe? But nothing is for free. Those who spent for duran2x at lets say 1M USD will get it back & more in contracts, favors & the like. There is no such thing as a free lunch . Or is he that naive?

Yoyeng:
Section 7 (d) of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees: “Public officials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person…

papa:
Kahit pa walang ginastos mali pa rin dahil naghihirap ang mga filipino. Kaunting delikadesa naman, napaghahalatang nagmana sa pinagmanahan.

Istok:
Lokohin nyo Lelong nyong Adik. Sa sampung sinabi ng Adik na Presidente labing isa Kasinungalingan. Like 20 pesos per kilo ng bigas at Flood Control projects.. at marami pang iba. Mga Loyalista na lang naniniwala sa inyo.

where_is_hope?:
Wag niyo na kaming bolahin…may kapalit yang “at no cost to the gov’t” niyo. Sa bulsa din ng bayan later on ang kapalit niyan.

Jesse:
Whoever paid for the party – it’s over and done with. This president loves to party – nuthin Filipinos can do about it.
What taxpayers need to make sure of is that he doesn’t party with the people’s money.

Rafael:
it is still a violation, somebody should file a case against the president, its same as bribery, follow the code of ethics, if mayayaman na negosyante, eh di papaboran sila ng presidente, impeachable ba pag naviolate code of ethics?

Nic:
Nung wala si BBM sa posisyon wala man lang nakaalala sa kanya na magbigay ng ganyan. Tapos ngayon presidente na meron na? Lokohin nyo lelang nyo panot.

Marlon:
SAUCE MARYOSEP klaro naman galing sa taumbayan ang gastos nyan under CONFIDENTIAL FUNDS

Mejo:
Pagkatapos ng mga fund diversions ng Mahalika and Philhealth?? Dapat naghihigpit ng sinturon!

Marni:
Jusko. Di ba bawal na bawal yan as public servant to accept gifts or favor. Ano kapalit?

Mike:
Kung walang ginastos ang Gobyerno at mga kaibigan ang gumastos ang tanong ngayon anong kapalit

NoToHistoricalRevisionism:
Bumalik ang abuso ng mga Marcos baka sa susunod ay maupo yan ng 20 years. Hindi pa nadala sa pagpapalayas sa kanila via Edsa Revolution…

vicky:
Even if you say the govt didn’t spend for the party, it smacks of insensitivity given the economic situation of the country where majority of the Filipinos struggle to put food into their mouths.

Darcy:
Madaling sabihin yan pero with their history of spending AND, ahem, stealing taxpayers money eh Marcos loyalists lang ang maniniwala sa kanila.

m1nesweeper:
Walang code of ethics? Walang decorum? Nasa gobyerno pero di alam kung pano dapat umasal ang public servant? Grabe, ibang tao yung nangampanya talaga kesa dun sa taong nanalo. A better man would have politely declined, and asked to donate to charities instead.

Portia:
Where is the ” NO GIFT POLICY” law??? Shame on you, PCO!!! It’s the taxpayers’ money that shouldered the event and no explanation needed bec it’s so so obvious…corruption pa more

124

Related posts

Leave a Comment