Stepdaughter binidyuhan sa banyo MANYAKIS NA STEPDAD, TIMBOG SA VOYEURISM

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isang 50-anyos  na lalaki matapos na mahuli habang kinukunan ng video ang dalagang anak ng kanyang live-in partner habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Lucena City.

Noong Huwebes ay ipinagharap ng sakdal ng biktimang si alyas “Tintin”, 20, ang suspek na si Johenes Vital, residente ng Barangay Ibabang Dupay.

Batay sa reklamo ng biktima sa pulisya, nangyari ang insidente noong Martes ng umaga habang siya ay naliligo.

Nagulat na lamang umano siya nang makita ang cellphone ng suspek na nakalusot sa butas ng dingding ng kanilang banyo.

Nasaksihan naman ng kaibigan ng biktima ang ginagawa ng suspek na mabilis na tumakbo dala ang kanyang cellphone.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at nang makuha ang cellphone ay nakita nila ang hubad na larawan at video ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

17

Related posts

Leave a Comment