STREET DWELLERS SA MAYNILA TUMANGGAP NG MAAGANG PAMASKO

TUMANGGAP ng grocery items bilang maagang pamasko ang ilang pamilya, handog ng Brixton Hills Volunteer Brigade, na ginanap sa harapan ng Manila Police District Press Corps sa United Nations Avenue, Ermita, nitong Manila Biyernes ng umaga .

Bandang alas-8:00 ng umaga nang magsimulang mamahagi ng grocery items sa streets dwellers sina Dr. Vincent Sy Chan; Mr. Enrile Sy, president ng Brixton Hills Volunteer Fire Brigade; Mr. Vincen Chan, co-founder; Mr. Philip Dy, General Affairs Officer; Mr. Ken Chioa, secretary; Albert Capulong, at Reynaldo Flores, firefighters.

Ang naturang event ay inasistehan ni Manila Police District, Public Information Office (PIO) Major Philipp Ines, at pinangasiwaan naman ni Kagawad Jonjon Reyes ng Peoples Tonight, at ng pamunuan at miyembro ng Manila Police District Press Corps.

Ito ay bahagi ng maagang Christmas gift giving sa street dwellers, at pamilyang Pilipino na nakararanas ng kagutuman.

(RENE CRISOSTOMO)

167

Related posts

Leave a Comment