SUNDALO NAGPALAMIG SA ILOG, NALUNOD

RIZAL – Isang miyembro ng Philippine Army ang nalunod sa ilog sa Brgy. Daraitan, sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng biktimang si Pvt. James Tacuyan, 27, tubong Iloilo at residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon sa report ng Tanay Police, base sa pahayag ng dalawang kasama nito na sina Pvt. Nelson Sales, at Pvt. Marlou Vigo, nakita na lamang nila na pinagkakaguluhan ng iba pang mga nagpi-picnic sa Daraitan river, ang biktima habang ito ay walang malay na nakahandusay at hinihinalang nalunod sa ilog.

Nilapatan ito ng CPR at agad isinugod sa Army Station Hospital sa Camp Capinpin sa Brgy. Sampaloc, Tanay subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon kay Tanay Police chief, Lt. Col. Norman Cas-oy, nasa ilog ang tatlong sundalo matapos na magpaalam sa kanilang opisyal sa Camp Capinpin, na maliligo at magpapalamig lamang sa kalapit na ilog.

(NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment