SUNDALO PATAY SA ANTI-DRUG OPERATION

NAPATAY ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na sinasabing kasapi ng organized drug group na kumikilos sa Bicol Region, sa inilunsad na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kinilala ng PNP Regional Police Office 5 ang napaslang na sundalo na si Corporal Aaron Magbuhat, 33-anyos, miyembro ng Rigo-Magbuhat drug group at sinasabing isang  high value target at kabilang sa Regional Watchlist sa Bicol.

Ayon kay P/Maj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, isang joint buy-bust operation ang inilatag ng PDEA at PNP laban sa suspek.

Subalit nauwi ito sa sa palitan ng putok ng magkabilang panig nang manlaban ang g suspek nang mapunang mga awtoridad ang kanyang kaharap.

Napatay sa operasyon ang suspek habang wala namang naitalang nasugatan o napatay sa panig ng operating units.

Nakuha kay Magbuhat ang service firearm na .45 kalibreng baril, pampasabog at 2 gramo ng umano’y shabu. (JESSE KABEL RUIZ)

17

Related posts

Leave a Comment