SUNOG SA PRITIL MARKET, KP TOWER NAITALA SA 24-ORAS

DALAWANG magkasunod na sunog ang naitala ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, una sa Pritil Market sa panulukan ng Juan Luna at N. Zamora Streets, Tondo, kasunod ang KP Tower sa panulukan ng Juan Luna St. at Claro M Recto Avenue, Binondo, Manila noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.

Unang iniulat na nasusunog ang palengke ng Pritil ng bandang 10:40 ng gabi.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sumiklab ang sunog na nagsimula umano sa ika-2 palapag ng palengke.

Dakong umaga nang ideklarang fire-out ang sunog na halos maubos ang buong Pritil Market. Tinatayang umabot sa P110,000,000 ang halaga pinsala ng sunog.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ni Senior Fire Officer 2 Emmanuel Galura ng Arson Division, hinggil sa pinagmulan ng sunog na walang iniulat na namatay o nasugatan.

Samantala, bandang alas-9:30 ng umaga noong Sabado nang muling maalarma ang fire department dahil sa nangyaring sunog sa KP Tower na nagsimula umano ang apoy sa Mang Inasal branch.\

Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang 10:12 ng umaga nang ideklarang fire under control at tuluyang naapula dakong 10:17 ng umaga. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division at inaalam kung magkano ang naging pinsala sa naturang sunog. (RENE CRISOSTOMO)

60

Related posts

Leave a Comment