SUNS ANGAT NA SA GSW

NAKABALIK na rin si Devin Booker sa lineup ng Phoenix Suns, kumamada ng 16 points at tinulungan ang NBA-leading Phoenix Suns sa paglista ng season-scoring high, nang tambakan ang Charlotte Hornets, 137-106, sa Arizona.

Pitong larong absent si Booker sanhi ng hamstring injury, 26 minuto siyang sumalang at naupo na lang sa fourth quarter habang lamang ang Phoenix.

Ang Suns, 24-5, ay angat na ngayon ng kalahating laro sa Golden State Warriors.

Siyam na Phoenix players ang may double figures, JaVale McGee (19 points sa 16 minutes off the bench), Mikal Bridges (16 points), Deandre Ayton (15 points at 15 rebounds), Landry Shamet (15 points), Jae Crowder at Chris Paul, tig-14, habang may 12 at 11 sina Cam Johnson at Cameron Payne.

Nagtala rin ang Phoenix ng 20 of 41 sa 3-pointers at may 56.8% shooting overall.

Top-scorer sa Charlotte si Miles Bridgers, 26 points, habang si dating Suns Kelly Oubre Jr. ay may 16, LaMelo Ball nine points, 10 rebounds at seven assists, pero 2 of 12 lang sa field at 1 of 6 behind the arc.

Ang Phoenix ay nagtala ng 14 straight at home wins matapos matalo sa unang dalawang laro, umiskor ng season-high 39 points sa third at 37 points sa huling dalawang laro nito.

Lilipad ang Hornets sa Utah sa Lunes, habang Lakers ang makakatapat ng Suns sa Martes.

4

Related posts

Leave a Comment