Suspek nabuking habang katalik si misis MISTER PINALAKOL NG KAINUMAN

CAVITE – Sugatan ang isang 31-anyos na magbubukid nang palakulin sa balikat ng kabaro nito matapos maaktuhan ng biktima ang suspek habang katalik ang kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Edgar Dayaganon Endozo, 31, ng Brgy. Anuling Cerca 2, Mendez, dahil sa tama ng palakol sa balikat.

Arestado naman ang suspek na si Samuel Dalaguit Valdueza, 29, isa ring magbubukid.

Ayon sa ulat ni Corporal Mark Lester Anacan ng Mendez Police Station, dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw nang mangyari ang insidente makaraang mag-inuman ang tatlo sa terrace ng bahay ng biktima.

Nang matapos ang inuman, natulog na ang biktima at live-in partner nito habang ang suspek ay nakitulog sa terrace ng bahay.

Ngunit pagsapit ng madaling araw, nagising ang biktima upang umihi at napansin nito na wala ang kanyang live-in partner sa kanilang kama at nang lumabas sa kanilang terrace at nahuli nito ang suspek at ang ginang habang nagtatalik.

Dito nagkaroon ng komprontasyon na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa nakakita ng palakol ang suspek at tinaga ang biktima.

Ayon kay Anacan, sasampahan ng kaso ng biktima ang suspek ngunit hindi idadamay ang live-in partner dahil naawa ito sa kanilang anak. (SIGFRED ADSUARA)

10

Related posts

Leave a Comment