HINDI akalain ng 49-anyos na lalaki na matutunton siya makaraang magtago ng 14 taon sa kasong rape, nang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa Calapan, Mindoro noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Gilbert Abu alyas “Abe”, may asawa, tubong Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro at naninirahan sa San Andres, Bauan, Batangas.
Ang akusado ay kabilang sa most wanted person sa District Level.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila Police District, bandang alas-6:00 ng gabi nang silbihan ng warrant of arrest si alyas “Abe” sa Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.
(RENE CRISOSTOMO)
