ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni P/BGen. Remus B. Medina, ang isang suspek sa panggagahasa, pagdukot ng mga dalagita, at ilegal na pagdadala ng baril at bomba kahapon sa Quezon City.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Jeffrey B. Bilaro ng Holy Spirit Police Station (PS-14), kinilala ang suspek na si Mhelo Monsada, 35, nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Lumalabas sa imbestigasyon, apat na kababaihan, tatlo sa kanila ay menor de edad, ang dumulog sa himpilan ng PS-14 at nagsampa ng reklamo laban sa suspek makaraan silang dukutin.
Kinumpirma ng isa sa mga biktima na siya ay ginahasa ng suspek sa
noong Hunyo 6, 2021 sa Everlasting St., Pingkian 3, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Samantala, inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina ang pagkakaaresto ng suspek sa pagpatay ng kanyang kamag-anak sa inuupahang bahay sa Quezon City.
Ayon sa pahayag ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), sa pamumuno ni Officer-in-Charge P/Maj. Rene Balmaceda, kinilala ang suspek na si Roger Galvez, 41, ng Brgy. Roxas District, Quezon City.
Ang suspek ang itinuturong responsable sa pagsaksak na ikinamatay ng biktimang si Anthone Babiera, 24, natagpuang nakahandusay sa sahig, duguan, tadtad ng saksak noong Abril 3, 2022. (JOEL AMONGO)
127