SUSPENDIDONG PARAK TIKLO SA BUY-BUST

CAVITE – Makaraang masuspendi, luminya umano sa pagtutulak ang isang pulis subalit minalas na naaresto at nakumpiskahan ng P40,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Albert Lorenz Parnala Reyes, 34, dating nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspendidong pulis sa isang poseur buyer sa Brgy. Malagasang 1-F, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P40,000, at boodle money na P39,000.

Nabatid na noong Pebrero 16 lamang nasuspendi ang pulis dahil sa pagkamatay ng isang suspek na kanilang inaresto na kasama siya bilang arresting officer.(SIGFRED  ADSUARA)

130

Related posts

Leave a Comment